YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 21, 2012

Bagong CENRO ng Boracay, nangangapa pa


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Aminado ang bagong Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) ng Nabas at Boracay na si Merza Familiano, na nanga-ngapa parin ito sa kaniyang bagong trabaho at kasalukuyang pina- familiarized ang kaniyang bagong posisyon bilang CENRO.

Bagamat noong ika-dalawa ng Pebrero pa aniya ito pormal na nailuklok sa posisyon, halos dalawang araw pa lang din itong nakapasok sa kaniyang tanggapan.

Sapagkat matapos ng dalawang araw na pamamalagi bilang CENRO, isinalang din agad umano ito sa isang seminar sa Metro Manila.

Subali’t magkaganon man, sinabi ni Familiano na may mga inisyal na rin silang pag-uusap ng alkalde ng Malay kaugnay sa development plan sa Boracay.

Kasama umano sa napag-usapan nila ay ang pagtatanim ng mangroves sa isla, gayon din ang tungkol sa mga wet lands at sa balak ng alkalde na nagawing Eco Tourism  ang Boracay.

Samantala, ngayong hapon ay nakatakda ding aniya silang mag-usap sa paraan ng isang pulong para ma-penal na ang development plan ng Boracay.

No comments:

Post a Comment