Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Sinunog na lamang ang labindalawang pakete ng meat products
na nakumpiska mula sa isang Koreano sa Kalibo International Airport nitong
nagdaang Biyernes.
Napag-alamang mula sa South Korea lulan ng eroplanong may
direct flight mula sa bansang ito si Kim Ho Yeon, ang nasabing meat products.
Kung saan sampung pakete ng sausage at dalawang balot ng
laman-loob ng baboy ang nakuha sa nasabing Koreano.
Subali’t ayon kay Gelisele de Pedro ng Kalibo Municipal
Agricultures Office at Quarantine and Livestock Section.
Dahil sa ipinagbabawal ang pagpasok ng ganitong uri ng
produkto sa Pilipinas lalo na kung wala itong kaukulang permiso at dokumento ay
kinukumpiska ito ng mga awtoridad.
Sapagka’t pinangangambahan aniya na baka may dalang sakit at
mahawa ng Foot and Mouth Disease at Mad Cow disease ang mga alagang hayop sa
bayan at boung probinsyang ito, ang mga nasabing meat products, kaya sinunog na
lamang.
No comments:
Post a Comment