Pages

Tuesday, February 21, 2012

BSTPO, may bagong pangalan na


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mula Boracay Special Tourist Police Office o BSTPO ay pormal nang pinalitan ang pangalan ng himpilan ng Boracay Pulis, at sa ngayon ay Boracay Tourist Assistance Center na o BTAC.

Batay na rin sa inilabas na resulosyon # 2012-001 ng National Police Commission kung saan, sa buong Pilipinas, isa ang Aklan sa dalawampu’t limang probinsiya na mayroong Tourist Police Assistance Center na itinalaga ng Department of Tourism para sa siguridad ng mga turista sa mga lugar na ito.

Ito ang nabatid mula kay P/Supt. Julio Gustilo Jr., ang kauna-unahang Hepe ng Aklan Provincial Office Tourist Police Unit.

Kung saan si Gustilo ang mamumuno ng unit na ito sa buong probinsiya at saklaw nito ang ibang Tourist Assistance Center sa ibang bayan gayon din ng mga tourist Pulis sa Airport at mga pantalan.

Dahil bagamat sa Boracay ang Sentro ng turismo, pati ang mga bayan din na dinadaanan patungong Boracay mula sa bayan ng Kalibo ay dapat magkaroon na rin aniya ng sariling nilang Tourist Assistance Center. 

Gayun paman, dahil sa ang personnel lamang ng Boracay Assistance Center ang dumaan sa pagsasanay mula sa DOT.

Inaasahang maging ang mga Pulis sa mga bayan na mayroong Tourist Assistance Center na ito ay isasailalim din pagsasanay ukol sa tamang pagharap sa mga turistang nanga-ngailangan ng tulong.

Bagamat sana ay nasa Provincial Office ng Aklan Police sa bayan ng Kalibo ang tanggapan ni Gustilo, bilang himpilan din ng Aklan Provincial Office Tourist Police Unit.

Subali’t dahil sa wala pang itinakdang opisina para sa kanila, pansamantala ay dito umano muna sila maghihimpil sa Boracay Tourist Assistance Center. 

No comments:

Post a Comment