YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 15, 2016

Limampu’t dalawang Barangay sa Aklan, malinis na sa droga ayon sa APPO

Posted November 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for drug freeLimampu’t dalawang Barangay umano ngayon ang naitala ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na malinis na sa ipinagbabawal na droga.

Ayon kay Provincial Intelligence Branch head Chief Inspector Bernard Ufano, mula sa 214 na apektado ng droga ay bumaba na umano ito ngayon sa 162.

Nabatid na merong 327 barangays ang probinsya ng Aklan.

Kaugnay nito, bago umano ilunsad ang Oplan Double Barrel ng Philippine National Police noong July 1 ay 97 lang umano ang bilang na barangay sa probinsya ang apektado ng droga.

Samantala, sa limang buwan na nakalipas mas mababa umano ito sa 1,900 self-confessed users at pushers sa 214 barangays ang mga sumuko sa kampanya kontra iligal na droga ng mga pulis kung saan nitong a-nuebe ng Nobyembre ay  kauna-uahang napatay ng mga operatiba ang suspek na high value target na nanlaban sa mga ito.

Nabatid na nagpapatuloy naman umano ang tulong para sa rehabilitation programs na sinusuportahan ng stakeholders, local government units at private sector.

Napag-alaman namang sa kasalukuyan ang mga sumukong gumagamit ng iligal na droga sa bayan ng New Washington ay sinasanay na sa ilalim ng livelihood program kung saan binabalak umano ngayon na magpatayo ng rehabilitation center sa Madalag.

No comments:

Post a Comment