Posted November 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Nagtapos na ang
tatlong araw na Basic Incident Command System (ICS) Training ng Municipal Risk
Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa paghahanda sa mga ibat-ibang
insidente, kalamidad sa Malay at Boracay.
Nabatid kay
Catherine Ong Fulgencio ng MDRRMO Malay, malaki umanong tulong itong training
ng kanilang opisina dahil hangad nitong matulungan ang mga tao lalo na sa maaring
kalamidad na mangyari sa ating bansa.
Samantala, naging
parte naman umano sa kanilang ginawang training ang ibat-ibang Head ng
Municipal Government Offices sa Malay na kinabibilangan ng Boracay at Malay
PNP, Philippine Army, Philippine Coast Guard, Philippine Maritime, Malay
Auxiliary Police o MAP, Consultant ng
ibat-ibang grupo katulad ng Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers,
Transportation group at iba volunteer groups.
Kalakip nito, ang
iba’t- ibang grupo ay kanilang isinailalim sa pagsasanay para sa paghahanda sa panahon
ng mga sakunang posibleng mangyari sa
bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment