Posted November 18, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Dumulog sa
himpilan ng mga pulis ang kinilalang si Aldwin Pascua Mauricio, 32- anyos,
isang Immigration Officer, native ng Catanduanes at temporaryong nanunuluyan sa
isang hotel sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.
Ayon sa report
nito sa Boracay PNP, nakita niya umano ang dalawang turista sa may baybayin na
isang British at Italian national kung saan nakakandong umano ang babae sa
lalaki habang pareho silang nakahubad at marahil umano ay nagtatalik nilapitan
naman niya ito at sinabihan na itigil nila ang kanilang ginagawa.
Nabatid na
nagtungo pa umano ang dalawa malapit sa baybayin at inasar pa ang immigration
officer.
Dahil dito,
tinawag ng lalaki ang atensyon ng mga pulis at i-nereklamo ang mga ito.
Sa ngayon ay pansamantalang
ikinustodiya ang dalawang turista sa himpilan ng Boracay PNP station.
No comments:
Post a Comment