Posted November 14, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Naging matagumpay at makulay ang aktibidad na naganap sa
Memorandum of Agreement (MOA) signing sa gitna ng Lokal na pamahalaan ng Malay,
Boracay Water Company (BIWC), Department of Environment and Natural Resources
(DENR), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA),
Department of Tourism (DOT), Boracay Foundation Incorporated (BFI), Philippine
Chamber of Commerce and Industry-Boracay (PCCI) at ang Probinsya ng Aklan sa
pamamagitan ni Governor Joeben Miraflores.
Nabatid na itong isinagawang MOA signing ng mga ibat-ibang
sector sa Boracay ay para sa Phase 1 drainage management ng Boracay Water
Company ().
Isang seryosong usapin umano ito upang maaayos ang
kapaligiran at maalagaan ng tama ang paggamit ng tubig sa isla.
Samantala, itong hakbang ng BIWC kasama ang mga
kumpanyang binanggit ay may
kaniya-kaniyang mga responsibilidad na gagawin para sa naturang
proyekto. Kung saan ang isa na dito ay kung sino ang kanilang mahuhuling may illegal
connection sa drainage system ay kanilang –ire-report sa opisina ng BIWC.
Kaugnay nito, abangan naman ang Phase 2 na kanilang
gagawin bilang bahagi ng proyektop ng BIWC para sa drainage management sa isla
ng Boracay.
No comments:
Post a Comment