Posted November 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa ngayon ang
bayan ng Malay at Kalibo ang may naitalang may pinakamataas na kaso ng dengue
sa probinsya ng Aklan. Ito ay base sa rekord ng Provincial Health Office (PHO).
Nabatid na mula
Jan. 1 hanggang Nov. 2 ay may bilang na itong 1,492 na tumaas ng 58 % mula sa 946 na kaso ng dengue taong 2015.
Kaugnay nito, sa
kabuuan, ang Kalibo ang may pinaka-mataas na naitalang kaso ng dengue na may
315, o 21 %. Habang ang Malay naman ang sumunod dito na may 140, ayon sa Provincial
Epidemiology Surveillance and Response Unit.
Samantala, sinundan
naman umano ito ng tatlo pang bayan ng Banga na may 112, Numancia 105 at Ibajay
na 104.
Napag-alaman na
isang anim na taong gulang na bata magmula dito sa Malay ang namatay sa isang
pribadong ospital sa Kalibo dahil sa naturang sakit.
Samantala, upang
maiwasan ang pagkakaroon ng dengue virus, payo ng PHO sa publiko, na gawin ang
4'o clock habit kabilang na ang paglilinis sa paligid na posibleng tirahan ng
mga lamok.
No comments:
Post a Comment