Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni Buenavista Guimaras Mayor at League
of Municipalities (LMP)-Guimaras Chapter President Eugene Reyes, kung saan sinabi nito
na nakapunta na ang mga Chinese Engineers
mula China Roads and Bridges Cooperation para sa naturang proyekto.
Nabatid na may apat na umanong posibleng site na ipinakita
ang mga ito na kinabibilangan ng Ortiz City Proper papuntang Jordan Guimaras, Bario
Obrero Lapuz papuntang Brgy. Sawang Buenavista Guimaras, Ingore Lapaz papuntang
Brgy. Taminla Buenavista Guimaras, at Leganes, Iloilo papuntang Brgy. Tacay o
Getulio sa Buenavista, Guimaras.
Kaugnay nito, patuloy rin
nilang pinag-aaralan ang kuryente at lebel ng tubi na siyang titignan at
pagbabasehan sa magiging disenyo ng tulay.
Ayon pa kay Mayor Reyes, inaalam pa nila kung kailan
uumpisahan ang Phase 1 na proyekto sa lugar kung saan sakaling matapos na ito
ang susunod naman na gagawin ay ang Phase 2 na mag-uugnay sa Guimaras at Negros
Island.
Samantala, ang proyektong tulay ay may inisyal umano na
budget na P 150-Million.
No comments:
Post a Comment