Posted November 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nagpaabot ngayon ang kagawaran ng Department
of Energy-Visayas na magkaroon ng E-trike o Electronic Tricycle bilang “Tourist
Eco-Shuttle” sa bayan ng Kalibo.
Binigyan ng
pagkakataon para maibahagi ang plano ng Department of Energy (DOE) sa paglunsad
ng naturang proyekto ginanap na sesyon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo.
Ibinahagi nila
dito ang presyo ng nasabing e-trike kung saan meron na umano silang 1, 800 unit
na e-trike mula sa kompanya ng BEMAC sa Cavite.
Samantala, narito
ang grupo ng DOE upang magsagawa ng
feasibility study sa lugar kung saan nagsagawa narin sila ng initial assessment
sa ilang tricycle drivers’ association.
Itong usapin ay patuloy
pa ring pinag-aaralan ng SB Kalibo.
No comments:
Post a Comment