YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 19, 2016

Municipal Health Office ng Malay, hinikayat ang publiko sa Hepatitis B and HIV/ AIDS Forum

 Posted November 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Hinikayat ngayon ng Municipal Health Office ng Malay ang mga residente ng Malay at Boracay na maki-isa sa kanilang forum na gagawin kaugnay sa hepatitis B at Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Nabatid kasi mula sa National Epidemiology Center ng Department Health, na mula June sa taong ito ay may naitala silang rekord na 34, 999 na kaso ng HIV sa labing pitong rehiyon sa bansa.

Sa interview ng himpilang ito kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras, itong programa ay bilang paggunita sa December 1 (World Aids Day at TB kung saan may tema itong “Creating Alliance and Strengthening the Fight to Stop TB, HIVANDAIDS”.

Aniya, ginagawa ito upang makapagbigay kaalaman at para mahikayat ang komunidad na magpunta sa Social Hygiene Clinic Boracay at Poblacion Malay, upang magpatest sa mga nararamdaman nila kung saan isa dito ay magpa Free HIV test and screening at iba pang serbisyo gaya ng Pap Smear, Gram Stain (Urethral, Cervical Smear).

Pangalawa, makapagbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng Symposium upang mapag- usapan ang tungkol  sa TB at HIV, kung saan ayon sa datos ng Kagawaran ng Kalusugan, tumataas ang kaso nito sa Pilipinas at ang pangatlo ay ang pagbibigay ng simpatya, pagmamahal at suporta sa mga taong may HIV.

No comments:

Post a Comment