Posted November 18, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Inilatag na ng Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival
(KASAFI) organizer ang iba’t-ibang aktibad para sa tinaguriang “Mother of All
Philippine Festival” sa Enero 6 hanggang 15 2017.
Ayon kay KASAFI Chairman Albert Meñez, nasa final stage
na umano ang kanilang preparasyon dito kung saan sa Enero 6, sisimulan ang
nine-day devotional novena, parish visitation ng Santo Niño, tradisyunal
paeapak at search for Mutya ng Kalibo Ati-atihan 2017.
Narito ang iba pang mga sumusunod na skedyul sa naturang
event;
Enero 7 Kalibo red hot party, sikad karera para sa mga
mahilig sa bike.
Enero 8 car show, bikers rally at Ati-atihan fun run.
Enero 9 mag-uumpisa ang hala bira Atiatihan nights at ang
pagbubukas ng Aklan Visual Arts Exibit, Street Bazaar, products showcase, sarok
film fest at Ati-atihan float parade.
Enero 10 pagdayaw kay Senior Santo Siño kung saan lalahukan ito ng halos lahat ng Private at
Public Schools ng lalawigan.
Enero 11 at 12
naman ang Aklan Higante Contests at Dep-ed sinaot sa kalye.
Enero 13, buong araw na sad-sad pagpasalamat kay Senior Santo
Niño.
Enero 14 bisperas, dawn penitential procession at sadsad
Ati-atihan dancing contest
Enero 15 ang pag-transfer ng Santo Niño Image, pilgrims
mass, sadsad at religious procession.
Samantala, ang highlight ng naturang Festival ay sa
darating na Enero 14 at 15 kung saan
maglalaban-laban ang mga grupo na kinabibilangan ng Tribal Big and Small,
Balik-Ati, Modern Groups at Individual Street Dancing Contest.
No comments:
Post a Comment