Posted November 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Limampu’t dalawang
Barangay umano ngayon ang naitala ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na malinis
na sa ipinagbabawal na droga.
Ayon kay Provincial
Intelligence Branch head Chief Inspector Bernard Ufano, mula sa 214 na apektado
ng droga ay bumaba na umano ito ngayon sa 162.
Nabatid na merong
327 barangays ang probinsya ng Aklan.
Kaugnay nito,
bago umano ilunsad ang Oplan Double Barrel ng Philippine National Police noong
July 1 ay 97 lang umano ang bilang na barangay sa probinsya ang apektado ng
droga.
Samantala, sa
limang buwan na nakalipas mas mababa umano ito sa 1,900 self-confessed users at
pushers sa 214 barangays ang mga sumuko sa kampanya kontra iligal na droga ng
mga pulis kung saan nitong a-nuebe ng Nobyembre ay kauna-uahang napatay ng mga operatiba ang
suspek na high value target na nanlaban sa mga ito.
Nabatid na nagpapatuloy
naman umano ang tulong para sa rehabilitation programs na sinusuportahan ng stakeholders,
local government units at private sector.
Napag-alaman
namang sa kasalukuyan ang mga sumukong gumagamit ng iligal na droga sa bayan ng
New Washington ay sinasanay na sa ilalim ng livelihood program kung saan
binabalak umano ngayon na magpatayo ng rehabilitation center sa Madalag.
No comments:
Post a Comment