Posted November 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni SB Floribar Bautista sa sesyon na
ginanap kahapon sa SB Malay kung saan ito reaksyon ng huli sa naging laman ng
Privilege Speech ni SB Dante Pagsuguiron kaugnay sa sulat na ipinadala sa kanya
ng asosasyon ng Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide.
Sa sulat na binasa ni Pagsuguiron, ipinaabot ng kanilang
asosayon ang kanilang pag-alala sa mga iligal na commissioners na maliban sa
pagbagsak ng presyo ay nanloloko pa ng mga bisita.
Labis naman ang pagkadismaya ni SB Bautista sa naturang usapin
kung saan kinwestyon nito ang opisina ng Municipal Tourism Office kung ano ba
ang kanilang ginagawang hakbang hinggil sa problemang ito.
Ayon kay Bautista, dapat ipatawag ang opisina ng Tourism
at ilatag ang mga solusyon o hakbang para matigil na ito.
Dagdag pa nito na dapat tuloy-tuloy ang kanilang implementasyon
sa ganitong problema dahil hindi lang ang turista ang naaapektuhan kundi ang
imahe ng number 1 tourist destination na isla ng Boracay.
Samantala, nakatakdang ipatawag sa susunod na sesyon ang
lahat ng kompanya ng sea sports activity at opisina ng Municipal Tourism
Office.
No comments:
Post a Comment