Posted May 21, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Karaniwang balita na lamang ang tungkol sa mga turistang
nawawalan ng gamit sa isla ng Boracay.
Subali’t nakakabilib at mistula namang hindi pangkaraniwang
balita kapag may mga nakakapagsauli ng nawawalang gamit ng mga bakasyunista,
maliit man o malaki ang halaga.
Katulad na lamang ng nawala nguni’t naisauling Iphone 4S ng isang
Chinese tourists sa Boracay kagabi na naka-blotter sa himpilan ng Boracay PNP.
Base sa report, pina-blotter kagabi ng bakasyunistang si
Pingan Sheng ng Shanghai, China ang nawawala niyang Iphone nitong nakaraang
Lunes ng gabi.
Ayon kay Sheng, maaaring nahulog umano ito mula sa kanyang
bulsa habang naroon siya sa beach ng Station 1.
Sinabi pa nito na aktibo pa ang kanyang Iphone sa
pamamagitan ng Iphone locator kung kaya’t tinawagan ito ni PSInsp. Josipine
Jomocan na nagkataong naroon sa Boracay PNP Station.
Doon din na laman na nakita pala ito ni Ian Kelly Gadores sa
harap ng isang fruit shake restaurant, at nasa kostodiya ng asawa niyang si
Pinky Gadores.
Kaagad namang pinuntahan ng mga kapulisan ang fruit shake
restaurant kung saan may puwesto doon malapit ang mag-asawa kung kaya’t
naisauli ang Iphone ng nasabing turista.
Samantala, laking pasalamat naman ng Chinese nang maibalik
sa kanya ang nawawalang Iphone.
No comments:
Post a Comment