Posted May 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malapit na umanong matapos ang ginagawang expansion
project ng Boracay Island Water Company (BIWC) sa mainland Malay.
Ayon kay BIWC General Manager at Chief Operation Officer
Joseph Michael Santos, sakaling matapos na umano ito ay mabibigyan nila ng
sapat na suplay ng tubig ang Boracay kung saan ito rin umano ang kanilang
layunin sa nasabing proyekto dahil sa dumaraming gumagamit sa isla.
Sinabi din nito na mula sa Nabaoy Pumping Station sa
Mainland Malay ang ginawang pag-install ng BIWC papuntang Caticlan Treatment
Plant.
Sa kabilang banda maaaring ang BIWC na ang magbibigay ng
suplay ng tubig sa Brgy. Caticlan partikular sa Sitio. Tabon sa nasabing bayan
kung saan matagal ng problema sa lugar ang kawalan ng suplay ng tubig mula sa
Malay water district.
Nabatid na naglalakihang pipes ang ginamit ng BIWC sa
kanilang nasabing proyekto na ngayon ay malapit na ring matapos.
No comments:
Post a Comment