Posted May 18, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Lalo ngayong hinigpitan ang pagpapatupad sa mga ordinansa
sa beach front kasabay ng APEC ministerial sa Boracay.
Maliban ito sa halos 24 oras na pagtutok ng mga law
enforcers sa daloy ng trapiko at pagbantay sa seguridad ng mga turista.
Kapansin-pansin kasi ang mga law enforcers katulad ng
Boracay Auxiliary Police na nagpapatrolya sa beach area upang masawata ang mga
illegal vendors.
Maliban dito, tumutulong din sa pagpapatupad ng ‘No
Smoking by the beach’ ang mga kawani ng Task Group Boracay Philippine Army,
Boracay PNP at maging ang mga force multipliers bilang paghahanda sa Boracay
Day celebration.
Samantala, sumabak din ang mga law enforcers sa mga
environment awareness activities katulad ng beach cleanup at fun run sa kabila
ng kanilang pagiging abala sa pagbantay sa seguridad ng APEC ministerial
meeting sa isla.
No comments:
Post a Comment