Posted May 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nais ngayong alamin ni Malay SB Member Frolibar Bautista
ang operasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Municipal
Auxiliary Police (MAP) sa Boracay.
Ito ang kanyang sinabi sa privilege hour ng 17th
Regular SB Session ng Malay, Martes ng umaga.
Ayon sa Konsehal hindi niya umano nakikita ang mga
miyembro ng MAP na kasama ang MMDA para magbantay ng trapiko dahil sa
kasagsagan ng APEC Summit sa isla.
Tanong nito kung sino ang mag-iisyu ng violation sakaling
may mahuling motoristang lumabag sa traffic code ang MMDA gayong hindi nila ito
kasama sa operasyon.
Iginiit pa ng Konsehal na dapat ang MAP ay kasama sa
ginagawang pagbabantay ng MMDA dahil sila ang nagpagpatupad ng trapiko sa isla
ng Boracay.
Kaugnay nito sinabi pa ni Bautista kung bakit mismong mga
taga-MMDA na mula pa sa Manila ang dinala rito para sa APEC Summit sa Boracay
gayong mayroon namang MAP at mga kapulisan.
Samantala, ipapaabot naman umano ni Vice Mayor at
Presiding Officer Welbic Gelito ang concerned ni Bautista kay Malay APEC Task
Group at Focal Spokesperson Rowen Aguirre.
No comments:
Post a Comment