Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Isang tunog ng lagapak ang gumising sa mga residente ng Sitio
Ambolong, Barangay Manoc-manoc kaninang madaling araw.
Ayon kasi sa police report ng Boracay PNP, dalawang motorsiklo
ang nagsalpukan doon na ikinasugat ng tatlong katao.
Nakilala ang mga biktima na sina German Visca, 19 anyos, driver
ng SYM 125 motorcycle, at ang angkas nitong si Jobert Gregorio, 27 anyos,
pawang residente ng Sitio Din-iwid, Barangay Balabag.
Sugatan din ang driver ng Rouser 135 motorcycle na si Elmer
Vaay, 27 anyos ng Barangay Manoc-manoc.
Base sa imbistigasyon, mula sa Barangay Manoc-manoc papunta
sa direksyon ng Barangay Balabag ang dalawa nang umagaw sa kanilang linya si
Vaay sa pababang bahagi ng Sitio Ambolong.
Resulta, nagkabanggaan at sumemplang sa kalsada ang dalawang
motorsiklo at nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mga
biktima.
Kaagad naman ang mga itong isinugod sa ospital habang
pansamantalang ikinostodiya sa Boracay PNP station ang kani-kanilang motorsiklo
para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment