Posted May 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas na magtatapos ang Asia-Pacific Economic Cooperation
(APEC) Second Senior Officials Meeting and Ministers Responsible for Trade (MRT)
Meeting sa isla ng Boracay.
Ngunit nagdagdag ng 310 firefighters ang Bureau of Fire
Protection (BFP) sa Boracay mula sa national at regional headquarters para sa
nasabing meeting upang mapaigting ang security forces.
Nabatid na ang mga ito ay under sa supervision ni Senior
Superintendent Eleuterio N. Iturriaga, BFP Region 6 director at APEC Fire and
Fire Safety Task Unit commander.
Dadalhin din ng BFP ang kanilang Chemical, Biological,
Radiological, at Nuclear Explosion Team; Special Rescue Unit; at Emergency
Medical Services group na kasama sa kanilang vehicles at equipment.
Samantala, ang APEC meetings sa Boracay ay nakatuon sa
pagsuporta at pag-invest sa human resources, at fostering participation ng
small at medium enterprises sa regional at global markets.
Napag-alaman na kahit matatapos na ang APEC meetings
bukas ngunit ilan sa mga delegates nito ay mag-papaiwan pa sa Boracay.
No comments:
Post a Comment