Posted May 21, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Walang nabawas sa bilang ng mga police security forces na
ipinadala para sa APEC Ministerial sa Boracay.
Ito ang nakumpirma ng aming himpilan sa kabila ng
impormasyong halos patapos na ang nasabing event.
Kaugnay nito, kapansin-pansin parin ang mga kapulisang
nakabantay sa main road ng Central Boracay, maliban pa sa mga nag-roronda sa
beach front.
Magugunitang maliban sa iba pang puwersa katulad ng
Philippine Army, Bureau of Fire, MMDA, DOH, at Rescue Teams, nabatid na mahigit
tatlong libong pulis ang ipinakalat sa isla mula pa nitong ika-5 ng Mayo para
sa APEC.
Samantala, base naman sa impormasyong nakalap, may mga pulis
na ipinadala dito para sa APEC ang pinauwi matapos makaranas ng sama ng
pakiramdam dahil sa init ng panahon.
Patuloy namang sinisikap ng himpilang ito na makuha ang
panig ni PNP 6 Regional Director Police Chief Supt. Josephus Angan tungkol sa
usapin.
No comments:
Post a Comment