Posted May 17, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Isang Lebanese national ang nailigtas ng Philippine
Coastguard (PCG) sa Sitio Tambisaan, Barangay Manoc-manoc nitong hapon.
Lumangoy kasi ito sa dagat ng halos 500 metro matapos
umanong makipag-away sa kanyang live in partner.
Nakilala sa report ng PCG ang 22 anyos na turistang si El
Rahi Charbel na inireklamo naman mismo ng kanyang live in partner sa himpilan
ng Boracay PNP.
Base sa impormasyon, nag-away ang dalawa dahil naubusan na
umano sila ng pera habang nagbabakasyon sa Boracay, kung saan sinaktan pa ng
Lebanese ang kanyang live in partner.
Samantala, sa halip na sumama sa mga police, mas pinili na
lamang ng lalaki na tumalon sa dagat papuntang Caticlan mula sa Sitio Tambisaan.
Nailigtas naman ito ng PCG sakay ng rubber boat mula sa
layong 500 metro nang hindi na nito nakayanang bumalik sa dalampasigan.
Kinalaunan, nagkasundo na lamang ang dalawa sa himpilan ng
Boracay PNP na aayusin nila ang kanilang problema.
No comments:
Post a Comment