Posted May 22, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon sa report, mas mababa ng halos sampung porsiyento
ang naitalang kriminalidad sa isla mula Enero hanggang buwan ng Abril 2015 na
may 982 na kaso, kung ikukumpara sa kaparehong period ng nakaraang taon na
meron 1,086.
Aminado naman ang mga kapulisan na malaki ang naitulong
mismo ng LGU Malay at mga stakeholders upang masawata ang kriminalidad sa isla.
Samantala, sa isang pahayag, sinabi ni Pangulong ‘Noynoy’
Aquino III na hindi siya kuntento sa pagbaba ng nasabing crime rate, sa kabila
ng mga idinagdag na kapulisan at pinaigting na kapasidad ng mga imbistigador ng
Boracay PNP.
Kaugnay parin nito, aminado naman si Boracay PNP
Chief-PSInps.Frensy Andrade na bumaba ang naitalang kriminalidad ngayon sa isla
dahil sa police augmentation kasabay ng ginaganap na APEC Ministerial meeting.
No comments:
Post a Comment