Pages

Thursday, May 21, 2015

Nawawalang Iphone 4S ng Chinese tourists sa Boracay, naisauli matapos mawala

Posted May 21, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Karaniwang balita na lamang ang tungkol sa mga turistang nawawalan ng gamit sa isla ng Boracay.

Subali’t nakakabilib at mistula namang hindi pangkaraniwang balita kapag may mga nakakapagsauli ng nawawalang gamit ng mga bakasyunista, maliit man o malaki ang halaga.

Katulad na lamang ng nawala nguni’t naisauling Iphone 4S ng isang Chinese tourists sa Boracay kagabi na naka-blotter sa himpilan ng Boracay PNP.

Base sa report, pina-blotter kagabi ng bakasyunistang si Pingan Sheng ng Shanghai, China ang nawawala niyang Iphone nitong nakaraang Lunes ng gabi.

Ayon kay Sheng, maaaring nahulog umano ito mula sa kanyang bulsa habang naroon siya sa beach ng Station 1.

Sinabi pa nito na aktibo pa ang kanyang Iphone sa pamamagitan ng Iphone locator kung kaya’t tinawagan ito ni PSInsp. Josipine Jomocan na nagkataong naroon sa Boracay PNP Station.

Doon din na laman na nakita pala ito ni Ian Kelly Gadores sa harap ng isang fruit shake restaurant, at nasa kostodiya ng asawa niyang si Pinky Gadores.

Kaagad namang pinuntahan ng mga kapulisan ang fruit shake restaurant kung saan may puwesto doon malapit ang mag-asawa kung kaya’t naisauli ang Iphone ng nasabing turista.

Samantala, laking pasalamat naman ng Chinese nang maibalik sa kanya ang nawawalang Iphone.

No comments:

Post a Comment