Posted May 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kaawa-awa ang sinapit ng kapapanganak na sanggol matapos
na iwan ng hindi matukoy na magulang sa Sitio Libtong, Brgy. Estancia, Kalibo.
Dakong alas-7 ng umaga kahapon nang matagpuan ng
residente sa naturang lugar na si Jerryl PareƱo ang nasabing sanggol matapos
nitong marinig na umiiyak.
Dito niya nilapitan ang pinagmumulan ng iyak kung saan
tumambad sa kanya ang kapapanganak pa lamang na sanggol na puro buhangin ang
katawan at nangingitim na kung at malapit na ring tangayin ng tubig sa ilog.
Agad naman niya itong kinuha sa tulong ng iba pang tao sa
lugar at dinala sa Aklan Provincial Hospital sa bayan ng Kalibo.
Sa ngayon ligtas naman ang bata na pansamantala namang
tinawag sa pangalan ng nakakitang si Jerryl at ng kanyang asawa na “Nathaniel”
habang pinoproseso ang pansamatalang pangangalaga ng Department of Social Welfare
and Development (DSWD).
Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng
mga otoridad para matukoy kung sino ang magulang ng nasabing sanggol.
No comments:
Post a Comment