Pages

Saturday, May 23, 2015

Karagdagang 310 firefighters itinalaga sa Boracay

Posted May 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bukas na magtatapos ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Second Senior Officials Meeting and Ministers Responsible for Trade (MRT) Meeting sa isla ng Boracay.

Ngunit nagdagdag ng 310 firefighters ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa Boracay mula sa national at regional headquarters para sa nasabing meeting upang mapaigting ang security forces.

Nabatid na ang mga ito ay under sa supervision ni Senior Superintendent Eleuterio N. Iturriaga, BFP Region 6 director at APEC Fire and Fire Safety Task Unit commander.

Dadalhin din ng BFP ang kanilang Chemical, Biological, Radiological, at Nuclear Explosion Team; Special Rescue Unit; at Emergency Medical Services group na kasama sa kanilang vehicles at equipment.

Samantala, ang APEC meetings sa Boracay ay nakatuon sa pagsuporta at pag-invest sa human resources, at fostering participation ng small at medium enterprises sa regional at global markets.

Napag-alaman na kahit matatapos na ang APEC meetings bukas ngunit ilan sa mga delegates nito ay mag-papaiwan pa sa Boracay.

No comments:

Post a Comment