YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 06, 2015

Tourist Arrival sa Boracay nitong Holy Week, bumaba kumpara sa Holy Week ng 2014

Posted April 6, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Statistics Data from MTour Malay
Umaasa ngayon ang DOT o Department of Tourism Boracay Sub-Office na madodoble ang tourist arrival ngayong buwan.

Kasunod ito ng impormasyong bumaba ang Tourist Arrival sa Boracay nitong Holy Week kumpara sa Holy Week ng 2014.

Bagay naman na kinumpirma ni DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete ang nasabing report.

Base kasi sa hawak nilang datus mula sa Municipal Tourism Office of Malay, pumalo lamang sa 31,954 ang tourist arrival nitong Holy Week, kung ikukumpara sa Holy Week-Tourist Arrival na 46,091 ng nakaraang taon.

Isa sa mga itinuturong rason ng pagbaba ng nasabing tourist arrival ang ‘Bagyong Chedeng’ na ikinabahala umano ng local and foreign tourists na tatama sa Visayas area, dahilan upang hindi sila pumunta sa isla ng Boracay.

Aminado rin dito ang ilang beach front establishments na aming nakapanayam.

Ayon sa kanila, mas marami pa rin talaga ang mga turista at bakasyunista sa isla sa Holy Week nitong nakaraang taon ng 2014.

Samantala, sa kabilang banda, tiwala naman ang DOT na tataas pa ang tourist arrival dahil sa halos sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment