Posted April 9, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Hinihimok ngayon ng Aklan Provincial Health Office
(PHO) ang mga Aklanon na gawing Smoke
Free ang probinsya.
Sa ginanap na Provincial Tobacco Control Network
Orientation ng PHO, sinabi ni Provincial Health Officer II Victor Santamaria na
sadyang hindi maganda ang epekto ng paninigarilyo lalo na sa mga non-smokers.
Anya, layunin ngayon ng PHO na tulungan ang
pamahalaang probinsyal ng Aklan na paigtingin ang mga polisiya at hakbang upang
linisin ang mga pampublikong lugar sa buong probinsya laban sa nakalalasong
usok ng sigarilyo.
Kaugnay nito, binigyang-diin din ni Santamaria ang
mga pinakaepektibong hakbang na nagsusulong sa batas laban sa paninigarilyo.
Kung mapapansin anya, may mga picture warnings sa
mga pakete ng sigarilyo, dahil isa ito sa mga estratehiya upang kumbinsihin ang
mamamayan na tigilan na ang paninigarilyo.
Samantala, nabatid na may ordinansa ang Aklan hinggil
sa mahigpit na pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pagtitipong pampubliko, mga
pampublikong sasakyan, entertainment areas, opisina, bangketa at mga
pampublikong gusali.
Bagkus, maaari lamang umanong manigarilyo sa
tahanan, pribadong sasakyan at mga itinalagang outdoor area.
No comments:
Post a Comment