Posted April 8, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Photo Credit to Boracay PNP |
Tinatayang nasa 15 minor de edad ang na-rescue kagabi sa
isla ng Boracay.
Kasama na dito ang mga batang muslim na nagtitinda at iba pang
tumatambay sa vegetation area.
Kasama ang Boracay PNP sa pangunguna ni OIC PSInsp. Frensy Andrade,
Municipal Auxiliary Police-Boracay at Boracay Salaam Police Volunteer,
na-rescue ng MSWDO-Boracay ang mga nasabing minor de edad, at dinala sa MSWD
Office-Balabag.
Magugunitang aminado ang MSWD o Municipal Social Welfare and
Development Office sa negatibong komento ng mga turista sa mga batang
nagtitinda sa isla.
Magugunita ring nanawagan si USEC. Florencia Dorotan ng NAPC
o National Anti-Poverty Commission na tulungan ang mga ‘batang lansangan’na
nagtitinda at namamalimos.
Base naman sa nakalap na impormasyon, mistulang malakas ang
loob ng mga batang magtinda ng souvenir at bracelet sa mga turista kahit
dis-oras ng gabi dahil sa sinasabing ‘parental consent’ng mismo nilang mga
magulang.
No comments:
Post a Comment