Posted April 8, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay Bagong Alyansang Makabayan-Aklan
coordinator George Calaor.
Kinokondena nila ang Memorandum Circular No. 24 ng
gobyerno, kung saan ito ang batayan na sinusunod ng Department of Social
Welfare and Development Office (DSWD) sa pagpili ng mga mabibigyan ng financial
assistance.
Anya, isa sa pangunahing kakulangan ng
administrasyong Aquino ang kawalan nito ng kakayahan o interes na imonitor ang
bawat barangay at komunidad na nangangailangan.
Dagdag pa nito na pinipili umano ng DSWD ang
kanilang binibigyan ng pinansyal na tulong at mga pabahay.
Isa na umano rito na kapag may pamilya na isang
Overseas Filipino Worker (OFW) ang biktima ay hindi nila bibigyan ng tulong.
Bagay na hindi patas at naaayon ayon kay Calaor
dahil sa lahat naman umano ay napinsala nang dumaan ang bagyong Yolanda sa
probinsya.
Samantala, sa kanilang isinagawang kilos protesta
kanina, muling binigyang diin ng mga raliyista ang paghingi ng umano’y patas na
pagtugon sa mga naging biktima ng bagyo.
No comments:
Post a Comment