Posted April 8, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Tinupad umano ng mga beach front establishments ang
"No Party on Good Friday" nitong Holy Week sa Boracay.
Ito ang kinumpirma ni Boracay PNP OIC
P/SInsp.Frensy Andrade kasabay ng kanilang pagmonitor sa selebrasyon ng
kakatapos lamang na Semana Santa.
Ayon kay Andrade, katuwang sila ng MAP o Municipal
Auxiliary Police-Boracay sa pagpatupad ng nasabing kautusan mula alas 6:00 ng
umaga ng Biyernes Santo hanggang alas 6:00 ng umaga ng Sabado de Gloria o Black
Saturday.
Bagay na ikinatuwa naman ng Holy Rosary Parish
Boracay.
Ayon kay Father Nonoy Crisostomo, masaya siya at
nagpapasalamat dahil sa naging maayos ang pagdiriwang ng Semana Santa sa isla.
Samantala, nabatid na dinagsa rin ng mga debotong
Katoliko ang iba pang aktibidad ng simbahan nitong Holy Week bagay na tinutukan
ng mga kapulisan, iba pang law enforcers at force multipliers ang seguridad ng
publiko.
Magugunita namang mahigpit na ipinapatupad sa isla
ang "No Party on Good Friday" upang bigyang daan ang solemneng
pagdiriwang ng Biyernes Santo.
No comments:
Post a Comment