Posted April 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Matapos ang pahinga ng mga Konsehales ng Malay dahil sa
long week celebration ng Semana Santa balik na ngayong Martes sa normal ang SB
Session.
Dahil dito muling tatalakayin ang mga nakabinbing usapin
sa bayan ng Malay at isla ng Boracay kung saan isa na nga rito ay ang maingay
at patuloy na pinag-uusapan na paglalagay ng Yellow Submarine sa isla.
Nabatid na imbitado din sa Session ngayong Martes ang
dalawang kumpanya na nagsusuplay ng tubig sa isla ng Boracay ang Boracay Island
Water Company (BIWC) at ang Boracay Tubi System.
Ayon sa Sangguniang Bayan Office, inimbitahan ang mga ito
para pag-usapan ang pinagmumulan ng tubig ng dalawang kumpanya sa mainland
Malay gayon din ang kanilang operasyon sa isla.
No comments:
Post a Comment