Posted April 10, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa kabila ito ng ilang beses nang pakikipagdayalogo
ng LGU Malay sa mga traditional tricycle operator sa isla kaugnay ng nasabing
E-Trike program.
Muli na naman kasing binuhay ng ilang tricycle
drivers at operators sa isla ang usapin tungkol sa ipinapatupad na color
coding.
Ayon sa mga umaalmang drivers at operators,
‘unfair’sa kanila na hindi mapagbiyahe ang kanilang unit kapag hindi nito
schedule lumabas, habang malayang nakakapamasada ang mga E-Trikes.
Ipinagtataka din umano nila kung bakit sila lang na
mga traditional tricycle drivers ang may dalawang kulay ng unit, habang
paiba-iba ang sa mga E-Trikes.
Maliban dito, may mga pagkakataon ding naiispatan
na sinisigawan ng ilang tricycle drivers ang mga driver ng E-Trikes na “dagdag
lang kayo sa trapik”, “pasikip lang kayo sa kalsada” at iba pa.
Magugunita ring umalma ang ilang nakakuha ng
E-trike nitong nakaraang taon dahil sa palpak umanong kalidad nito.
No comments:
Post a Comment