Posted April 7, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa kanyang text message, iginiit din ni Aguiree na
pinahihintulutan lamang ang hanggang anim na palapag o 6 storey building sa
kondisyong ‘3 hectares and above’ ang area nito at may open space na 60 %.
Base sa impormasyong nakarating sa himpilang ito,
isang gusali ang ginagawa ngayon sa Balabag Station 1 area na lagpas sa height
requirement na nakasaad sa Municipal Ordinance No. 328 series of 2013.
Base naman sa naunang ordinansa, nabatid na
hanggang apat na palapag o 4 storey building sa area ng 1,000 sq m pataas ang pinahihintulutan.
Subali’t sa isang pahayag nitong nakaraang taon,
nilinaw ni Aguiree na inamyendahan ang nasabing ordinansa sa kahilingan na rin
umano ng mga property owners at ilan pang sektor sa isla.
Samantala, magugunita ring ipinag-utos ni Pangulong
‘Noynoy’ Aquino III ang pagbuo ng Boracay Task Force (BRTF) upang matiyak ang environmental
sustainability ng isla lalo pa’t sinasabing naging talamak na ang unregulated
development sa Boracay.
No comments:
Post a Comment