Posted April 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mismong ang bagong General Manager at Chief Operation
Officer ng Boracay Island Water Company na si Joseph Michael Santos ang dumalo
sa nasabing session.
Ayon kay Santos ang bago nilang proyektong ito ay para
mas lalo pang mapabuti ang pagbibigay nila ng suplay ng tubig sa isla ng
Boracay.
Sinabi din nito na ang kanilang proyekto ay may water
permit kung saan ang kanilang pinagkukunan naman ng tubig ay mula sa Nabaoy sa bayan
ng Malay.
Ngunit ang ikinabahala ngayon ng konseho ay ang kapasidad
ng tubig sa Nabaoy river para sa isla ng Boracay dahil sa dumarami umano ang
mga hotel sa isla.
Tiniyak naman ng BIWC na magiging sapat ito dahil patuloy
ngayon ang kanilang ginagawang proyekto upang masiguro na hindi kukulangin ng
tubig ang isla lalo na ngayong tag-init.
Samantala, hinikayat naman ng mga konsehales ang lahat na
mag-recycle ng tubig lalo na sa mga malalaking hotel at resort sa isla.
No comments:
Post a Comment