Posted April 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa na namang nakawan sa beach front ng isla ng Boracay
ang naitala ng Boracay PNP Station kaninang umaga sa Station 1 Balabag.
Sa blotter report ng Boracay PNP nakilala ang mga
biktimang sina Arthur Estremera, 27-anyos at Kristine Estremera, 24-anyos kapwa
bakasyunista.
Nabatid na iniwan umano ng mga biktima ang kanilang water
proof bag sa buhagin saka sila nagdesisyong maligo sa dagat.
Ngunit sa kanilang pagbalik ay hindi na nila naabutan ang
kanilang iniwang bag na naglalaman ng dalawang cellphone na pagmamay-ari ni
Arthur at cash na nagkakahalaga ng P7,000 na pagmamay-ari naman ni Kristine.
Sinabi naman ng mga biktima na mayroon silang napansin na
grupo ng mga kabataan malapit sa kanilang pinag-iwanan ng bag ngunit hindi
naman umano nila ito pinansan.
Samantala, matapos ang embistigasyon ng mga pulis ay wala
parin silang matuntung suspek sa nangyaring nakawan dahil sa kawalan ng sapat
na ibedensya.
No comments:
Post a Comment