Posted April 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na namang kinalampag ni SB Member Floribar Bautista
ang mga kinauukulan sa ordinansa na 5 meter setback sa mga ilog sa bayan ng
Malay.
Sa ginanap na 13th regular SB Session ng Malay
nitong Martes, sinabi ni Bautista na hanggang ngayon ay hindi parin umano gumagalaw
para mag self-demolish ang mga residente na pasok sa 5 meter easement sa river
bank sa brgy. Caticlan.
Nabatid na binigyan ng palugit ng Lokal na Pamahalaan ng
Malay ang mga residente na kasama sa 5 meter setback na lisanin ang mga ilog o
river bank sa Malay ngayong buwan ng Abril.
Napag-alaman naman na ilang bahay ang nakatayo sa gilid
mismo ng river bank sa brgy. Caticlan na ikinabahala ni Bautista dahil sa
nagdudulot umano ito ng dumi sa ilog.
Matatandaan na isang isang ordinansa ang nilagdaan ni
Malay Mayor John Yap, upang ma-protektahan ang kalikasan lalo na ang mga ilog
sa bayan ng Malay.
Ito ay ang Municipal Ordinance 198 kung saan mahigpit na
ipinagbabawal ang pagtatayo ng ano mang structures o bahay limang metro mula sa
ilog kasama na ang mga estero, lakes o lagoon sa huridikasyon ng Malay.
No comments:
Post a Comment