Posted March 25, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Magkaparehong ‘no comment’ muna ang BFI at PCCI sa
resolusyon ng SB tungkol sa operasyon ng Yellow Submarine sa isla.
Kasunod ito ng pag-abruba ng SB sa itinuturing
ngayong tourist attraction na sinasabing environment friendly.
Base sa tugon ni BFI o Boracay Foundation
Incorporated President Jony Salme sa aming alok na panayam tungkol sa usapin,
sinabi nito na wala pa siyang alam tungkol sa operasyon ng Yellow Submarine at
ang maaaring epekto nito sa mga korales sa Boracay.
Base din sa text message ni Elena Brugger ng PCCI,
hinihintay pa nila ang ilang dukemento habang kasalukuyang nagsasagawa sila ng
sarili nilang imbistigasyon.
Samantala, lumabas sa naging pag-aaral ng mga
eksperto katulad ni Professor Miguel Fortes ng CECAM o Coastal Ecosystem
Conservation and Adaptive Management.
Nakakasira ng mga korales ang mga aktibidad katulad
ng jet ski, at ilan pang kahalintulad na sea sports activities kung kaya’t
ikinabahala din ngayon ng ilang indibidwal ang operasyon ng nasabing Yellow
Submarine.
Nabatid na kritikal na rin ngayon ang sitwasyon ng
mga korales sa isla ng Boracay.
bape
ReplyDeletepaul george shoes
yeezy 700
off white outlet
goyard
nike off white
fear of god essentials
supreme new york
air jordan
chrome hearts