Posted March 28, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inanyayahan ngayon ng Department of Environment and
Natural Resources (DENR) Aklan ang publiko na makiisa sa “Earth Hour” ngayong
taon.
Ayon kay DENR Aklan Administrative Officer IV
Merlita Ninang, layon ng Earth Hour ang maimulat ang lahat hinggil sa
lumalalang problema ng climate change at patuloy na maprotektahan ang
kalikasan.
Samantala, ang “Earth Hour” ay lalahukan din ng
iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo ngayong araw ng Sabado.
Ang inisyatibo ito ay tumutukoy sa pagpapatay ng
mga ilaw ng isang oras na magsisimula ng alas otos y medya ng gabi hanggang
alas nueve y medya ng gabi sa Pilipinas.
Nabatid rin na ang “Earth Hour” ay hindi lang sa
pagpapatay ng ilaw kundi sa pag-off rin ng mga gadget, gaya ng cellphone at iba
pang mga kagamitang pambahay na gumagamit ng enerhiya.
No comments:
Post a Comment