Posted March 25, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos na isa na namang foreigner ang
nahuling nagsisinungaling sa mga pulis na umano’y ninakawan ng nasa mahigit 20
mil pesos na pera.
Sumbong kasi ng turistang si Benny Stefanski, 29
anyos, isang Deutsch national.
Dumating umano ito sa kanyang inuupahang apartment
sa Balabag Boracay na bukas na ang pinto at sira ang lock nito.
Sa kanyang pagsusuri, dito nya umano nalaman na
nawawala na ang kanyang laptop, passport, credit at visa card, 1000 US Dollars
at 20 mil pesos na cash.
Subalit, sa isinagawa namang follow-up
investigation ng mga pulis, lumalabas na palabas lamang ang ini-report ng
turista at ito’y upang makakuha lamang ng insurance certificate mula sa mga
pulis.
Base din kasi sa naging pahayag ng may-ari ng
tindahan sa harapan ng nasabing apartment, nakita ng mga ito na iniwang bukas
ng turista ang kanyang kwarto at hindi naman ni-lock.
Taliwas sa naging pahayag nito sa mga pulis na
sinira ang lock ng kanyang pintuan.
Kaya naman, ayon sa imbestigador ng kaso, isang
malinaw na “false allegation” ang ini-report ng turista.
No comments:
Post a Comment