Posted March 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Labis-labis ang panghihinyang ng isang Estonian
National matapos na matangay ng magnanakaw ang kanyang bag sa D’Mall Boracay nitong
Lunes ng umaga.
Sumbong ng biktimang si Annely Uukkive, 25-anyos sa
Boracay PNP.
May lumapit umano sa kanyang lalaki para magtanong
ng oras ngunit ng kunin umano nito ang kanyang cellphone sa loob ng bag ay may
bigla nalang humablot ng kanyang bag at tumakbo patungong mainroad area.
Tinagka naman umano nitong habulin ang suspek
ngunit hindi niya ito naabutan dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo.
Sinabi pa ng biktima sa Boracay PNP na naglalaman
umano ang kanyang bag ng isang mamahaling camera, isang lense, memory card at
extra filters.
Sinabi naman nito na hindi agad niya na ireport ang
nasabing insidente dahil sa sobrang galit kung kayat agad nalang umano siyang
bumalik sa kanyang tinutuluyan.
No comments:
Post a Comment