Posted March 24, 2015
Ni Bert Dalida, YES
FM Boracay
Puspusan parin ang
paghahanda ng Malay Task Group para sa nalalapit na APEC 2015 sa Boracay.
Isa na nga rito ang patuloy na pagsasanay sa mga liaison officers.
Nitong nakaraang Sabado, isinailalim sa limang araw na TASK o Tact and Attitude, Skills and Knowledge Training ang mga nasabing liaison officers.
Ayon kay APEC Malay Task Group Staff Therese Azarcon, layunin umano nito na mapalago ang kanilang communication skills.
Sinabi din ni TASK trainer Swiftgraze Fagsao na kabilang din sa kanilang pagsasanay ang tamang pakikipagharap sa mga APEC delegates.
Samantala, nabatid na isinasailalim sa dalawa hanggang tatlong oras na ‘drill’ katulad ng tongue twisters, mouth at facial muscle exercises ang mga liaison officers.
Maliban sa nasabing pagsasanay, nabatid na may mga susunod pang training at seminar para sa 27 liaison officers bago ang APEC sa darating na Mayo.
Maliban din sa training ng mga liaison officers, patuloy ding pinaghahandaan ng APEC Philippines 2015 Malay Task Group ang seguridad ng mga delegates ng naturang event.

No comments:
Post a Comment