Posted March 27, 2015
Ni Bert Dalida, YES
FM Boracay
Ito ang iniuwi ng
grupong ‘Juana’ o Boracay Women Producers Cooperative sa ginanap na Trash Can
Fun Theory contest.
Ilan sa mga miyembro
nito ang naging emosyonal na tinanggap ang kanilang gantimpala bunga ng
kanilang pag-decorate o pagdesinyo sa limang basurahang container.
Nasungkit naman ng
Happy Planet ang ikalawang pwesto na nakatanggap ng P5, 000.00 at sertipiko, at
3rd place ang ‘Warriors Red’ o Philippine red Cross-Youth.
Samantala, bagama’t
natalo ang pito pang kalahok, naniniwala naman ang mga ito na panalo parin sila
dahil sa kanilang taus-pusong pakikiisa sa adbokasiya para sa isang malinis at
‘zero waste’ na isla.
Ginanap kahapon sa
Club Paraw ang paligsahan kung saan binigyan ng 2-3 oras ang bawat kalahok na
binubuo ng 3-5 miyembro upang pagandahin ang mga basurahan gamit ang pintura at
mga recyclable materials katulad ng plastic at Styrofoam.
No comments:
Post a Comment