Pages

Wednesday, March 25, 2015

BFI at PCCI Boracay, ‘no comment’ muna sa resolusyon ng SB tungkol sa operasyon ng Yellow Submarine sa isla

Posted March 25, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for no commentMagkaparehong ‘no comment’ muna ang BFI at PCCI sa resolusyon ng SB tungkol sa operasyon ng Yellow Submarine sa isla.

Kasunod ito ng pag-abruba ng SB sa itinuturing ngayong tourist attraction na sinasabing environment friendly.

Base sa tugon ni BFI o Boracay Foundation Incorporated President Jony Salme sa aming alok na panayam tungkol sa usapin, sinabi nito na wala pa siyang alam tungkol sa operasyon ng Yellow Submarine at ang maaaring epekto nito sa mga korales sa Boracay.

Base din sa text message ni Elena Brugger ng PCCI, hinihintay pa nila ang ilang dukemento habang kasalukuyang nagsasagawa sila ng sarili nilang imbistigasyon.

Samantala, lumabas sa naging pag-aaral ng mga eksperto katulad ni Professor Miguel Fortes ng CECAM o Coastal Ecosystem Conservation and Adaptive Management.

Nakakasira ng mga korales ang mga aktibidad katulad ng jet ski, at ilan pang kahalintulad na sea sports activities kung kaya’t ikinabahala din ngayon ng ilang indibidwal ang operasyon ng nasabing Yellow Submarine.

Nabatid na kritikal na rin ngayon ang sitwasyon ng mga korales sa isla ng Boracay.

1 comment: