YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 27, 2015

Mga motorsiklo pinagbawalang mag-parking sa loob ng Cagban Jetty Port

Posted March 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi muna ngayon pinayagan ng Jetty Port Administration na makapag-parking ang mga motorsiklo sa loob ng Cagban Jetty Port.

Ito’y para mamintina ang kalinisan sa loob ng nasabing pantalan dahil sa pagpasok ng Holy Week Season kung saan dagsaan ang mga turistang magbabakasyon sa Boracay.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, ang desisyon umanong ito ay nagmula sa kanilang head of security kung saan isa pa umanong dahilan dito ay may mga driver na ginagawang ihian ang nasabing parking area.

Sinabi pa ni Pontero na mayroong P10.00 na nakatalagang parking Fee sa mga motorsiklo ngunit karamihan umano sa mga ito ay hindi nakapagbabayad.

Napag-alaman na maraming mga driver ng motorsiklo ang nagulat dahil sa ipinalabas na kautusan ng Security Department ng Jetty Port kung kaya’t dahil nahihirapan sila ngayong maghanap ng parking space sa labas ng nasabing pantalan.

Samantala tinukoy naman ni Pontero na bahagi na rin ito ng kanilang mga pagbabago at  paghahanda para sa darating na APEC Summit Ministerial Meeting sa Boracay ngayong Mayo.

1 comment:

  1. Mga gago ang putah! San naman nakakita ng terminal na hindi pwedeng ipark ang motor? Sari sari... mga isip dikya! Eh san ngayon ipaparada ang mga motor? Sa gilid ng kalsada na lalong magpapasikip sa matrapik ng kalsada? Pampublikong terminal yan tapos idi discriminate mga motorcyle owners? Asan na mga organisadong Boracay riders dyan? Mga wala ba kayong boses? Hindi ako magtataka kung patuloy na lulubog ang Boracay sa mga susunod na panahon dahil yan sa mga walang kwentang namumuno na gumagawa ng mga alituntunin na sablay. Pweh!

    ReplyDelete