Posted March 27, 2015
Ni Bert Dalida YES, FM Boracay
Mistulang nalalabuan ngayon ang ilang
establisemyento sa Boracay sa estado ng road easement sa isla.
Partikular dito ang mga establisemyentong may
violation sa road easement.
Base kasi sa impormasyong nakalap ng himpilang ito.
May mga establisemyentong nagpahayag ng compliance
o kusang magdi-demolish ng kanilang istraktura matapos ang ibinigay na notices,
habang may iba namang marami parin ang katanungan tungkol sa pinanghahawakan
nilang dokumento.
Kaugnay nito, payo naman ni Boracay
Redevelopment Task Force (BRTF) Secretary Mabel Bacani na isumite ang kanilang mga
dokumento sa Zoning Department ng Malay para sa nararapat na disposisyon.
Samantala, sinabi pa ni Bacani na may mga
establisemyento ding may mga violations subali’t binigyan umano sila ng 30 days
upang maayos ito.
Minomonitor din umano ito ng BRTF kung kaya’t
maaaring ma-revoke sakaling hindi nila ito nasunod.
Mas maigi rin umanong huwag nang hintayin pa ng mga
nasabing resort at establisemyento na matapos ang ibinigay sa kanilang notice.
No comments:
Post a Comment