Posted March 24, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kaugnay nito, inaasahang magiging abala na naman ang
isla ng Boracay hindi lamang sa pagdagsa ng mga bakasyunista kungdi sa mga
aktibidad ng Simbahang Katolika sa isla.
Nakalatag narin kasi ang mga schedule of activities
ng HRP Boracay na tiyak namang tututukan din ng mga law enforcers katulad ng
Philippine National Police at Municipal Auxiliary Police.
Isa na nga rito ang gaganaping ‘Palaspas’ o
Blessing of Palms sa Linggo na siyang hudyat sa pagsisimula ng ‘Semana Santa’.
Base sa iskedyul, mauuna ang blessing of palms at
misa sa Yapak sa 6:00 ng umaga, habang alas 6:30 sa umaga, alas 4:00 at alas
5:30 ng hapon naman sa Balabag.
Magandang balita naman sa mga taga Manoc-manoc na
hindi makakadalo sa aktibidad, dahil may blessing of palms at misa din doon sa
alas 8:30 ng umaga.
Samantala, isa din sa nakaugaliang tutukan ng mga
law enforcers at force multipliers ang Live Station of the Cross sa araw ng
Biyernes o Good Friday.
Maaari din kasi itong ikamangha ng mga ‘first
timer’ na turista dahil dadaan ito sa long beach ng Boracay mula sa Barangay
Manoc-manoc papuntang Balabag sa alas 6:00 ng umaga.
Maliban sa mga nabanggit na aktibidad, ipinaskil na
rin ng HRP ang iba pang schedule of activities sa Holy Week sa simbahan para na
rin sa kaalaman ng mga turista at bakasyunistang Katoliko.
No comments:
Post a Comment