Posted March 25, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Simula sa Biyernes ay ilalagay na sa heightened
alert status ang Boracay PNP Station bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga
biyahero ngayong Semana Santa.
Sakop ng alerto ang lahat ng opisyal at personnel
ng iba’t ibang unit ng BTAC.
Ayon kay Chief Admin. P/Insp. Alfonso Manoba, Jr.
ng BTAC Human Resource and Doctrine Development.
Mahigpit nilang babantayan ang lahat ng mga
pasaherong sasakay sa mga bangka, checkpoint sa pangunahing kalsada at front
beach ng isla.
Bahagi din umano ng kanilang paghahanda sa
seguridad kaugnay sa paggunita ng Semana Santa ang manatiling nakaalerto laban
sa mga banta ng karahasan.
Samantala, makikipagtulungan din umano ang BTAC sa
iba pang mga ahensya at magpapakalat ng mga police marshals.
Inaasahan namang
magsisimula ang dagsa ng tao sa
susunod na linggo upang gunitain
ang Holy Week kasama ng kanilang mga
pamilya.
No comments:
Post a Comment