Posted October 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang isa sa nakikitang paraan ngayon ng Sangguniang
Bayan ng Malay para maibsan ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa isla ng
Boracay.
Sa SB Session nitong Martes ito ang tinalakay ng Konseho
na nakapaloob sa Calendar of Business for 2nd reading.
Base sa naging proposal ni SB Member at Chairman ng
Committee on Laws Rowen Aguirre sa Sangguniang Bayan ng Malay.
Nais nito na 1 unit lang umano ng sasakyan ang kailangang
gamitin ng isang maliit na resort habang ang medium na may 50 o 100 hotel rooms
ay tatlong unit hanggang anim na unit at sa malaking resort umano ay apat na
unit hangang 8 unit.
Nabatid na maraming establisyemento sa isla ang mayroong
sasakyan na siyang nagpapasikip sa daloy ng trapiko kung kayat isa ito sa nais
solusyunan ng LGU Malay.
Maging ang private vehicles sa Boracay ay nais ding
limitahan ng mga opisyal base na rin sa Municipal traffic ordinance.
Samantala, ang nasabing usapin ay muling tatalakayin sa
pagbubukas ng ika-33rd SB Session sa susunod na linggo kung saan
dito rin malalaman kung ang proposal ni Aguirre ay sasang-ayunan ng local body
para sa mabilis na pagpapatupad nito.
No comments:
Post a Comment