Posted October 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Blangko pa rin ang Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) sa kaso ng sinaksak na security guard sa isla ng Boracay.
Kaugnay nito, aminado rin ang kapulisan sa isla na
hindi pa nadarakip ang suspek na sumaksak sa security guard na si Tomas
Berdonar, 42 anyos ng Sebaste, Antique.
Nabatid na naging kritikal ang biktima matapos saksakin
ng dalawang beses sa dibdib ng hindi nakilalang suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, lumapit
at nakiusap umano ang suspek at nagpaalam kung pwede itong matulog sa puwesto
ng biktima na pinagbigyan naman ng huli.
Subali’t naging mabilis ang sumunod na pangyayari
nang bigla na lamang itong sinaksak ng suspek sa hindi nalamang dahilan.
Samantala, nagawa pa umanong magmaneho ng
motorsiklo ng biktima upang ihatid ang sarili sa ospital, subali’t sumemplang
naman ito sa kalsada dahil sa tinamong sugat.
No comments:
Post a Comment